Limang dekadang nabubuhay
Nang ako’y unang umiyak sa dibdib ni Nanay
Kahit sa gitna ng hirap at lumbay
Ang kabataan ko’y makulay
Ilang bagyo ang dumaan
At pag-iyak ko’y ‘di ko mabilang
Nakatitig sa malawak na kalangitan
Binibigkas ng bibig ay kapayapaan
Maraming pagkulog at pagkidlat
Ang aking nakita at narinig
Katawan ko’t isipan ay nanginginig
Dumadagundong sa tainga ang kanilang tinig
Katawan ko’y nanlata at ‘di makatindig
Ngayon heto ako’t patuloy na naglalakbay
Limampung taon na nabubuhay
Ng pag-ibig at pagmamahal
Salamat Panginoon ako’y isinilang!
No comments:
Post a Comment