Kay sarap damahin sa puso ang salitang bakasyon – pagkakataon para sa pansamantalang paglayo mo sa iyong trabaho at sa pagsusungit ng iyong amo. Habang ika’y naghahanda sa pagsapit sa nakatakdang araw ng iyong pag-uwi ay iba’t-ibang larawan ang papasok at mapipinta sa iyong isipan nguni’t ang kabuuwan nito ay “Pananabik” sa iyong mga mahal.
Last May 4, 2010 lulan ng SV 862 ay maluwalhati akong nakauwi sa Pilipinas. Sa sobrang saya hindi ko napigilan ang mapaluha lalu na ho ng yakapin ako ng aking magi-ina. Pareho pananabik sa isa’t-isa ang aming naramdaman – di biro ang higit tatlong taon na ako’y nawala sa kanilang piling.
Mula May 4 hanggang sa araw ng aking pagbabalik sa KSA (June 16, 2010) ang buong panahon ko ay inubos ko sa pakikipag bonding lamang sa aking magi-ina. Minsa’y inuubos namin ang buong magdamag sa chikahan, tawanan, halakhakan. May araw na sama-sama kaming mamalengke, kumain sa labas, magsimba at sa pamamasyal.
WOW! Sarap maging ama. Tamis at pait laging kasama. Happy Fathers’ Day sa lahat ng Ama at Amain!
No comments:
Post a Comment