Ang sarap ng pakiramdam kapag nagawa at na enjoy mo ang iyong karapatang bumoto. Karapatang ipinagkaloob ng ating Saligang Batas sa bawat Filipino - saan mang bahagi siya ng mundo ay naroroon. Ang karapatang ito ay hindi dapat baliwalain o ilibing sa limot – ito ay bahagi ng pagiging Pinoy.
Kahapon araw ng Biyernes, April 23, 2010, bandang 8AM kaming limang magkakasambahay ay sumugod sa Philippine Embassy dito sa Riyadh para bumuto. Sa weekends kasi ang schedules ng pagboto ay mula 10 AM hanggang 6 PM. Sa normal na araw ang botohan ay nagsisimula mula 9 AM hanggang 5 PM. Ang botohan dito sa KSA ay nagsimula pa ho noong pang Abril 10, 2010 at matatapos ito sa Mayo 10, 2010.
Ang una naming ginawa nang kami ay nasa loob na ng ating Embahada dito sa Riyadh ay ang tingnan sa masterlist ng registered OAVs (Overseas Absentee Voters) ang aming mga pangalan. Ang listahan ng mga OAVs ay makikita sa Embassy basketball court at bawat name ay may corresponding code numbers.
Kung wala ang name n’yo sa masterlist, pumunta kayo sa counter check section na matatagpuan sa labas ng main-door ng Embahada building at ibibigay sa inyo ang code number ng inyong pangalan na siya n’yong ipapakita sa namamahala ng precinto kung saan kayo nakatalaga na bumuto.
Organisado ang botohang nakita ko kahapon. Sa labas ng mga precints makikita ang 14 na pila ng mga OAVs para sa 14 na precints. May nakatalagang mga kanugnog natin para sa maayos na pagpila. At pagpasok sa looban meron din nakatalagang kabayan natin para e guide tayo sa tamang presentong pupuntahan.
Bawat precinto ay may tig-tatlong naatasang kababayan natin para itaguyod ang botohan. Meron silang kaniya-kaniyang work to do. Ang isa kontrol niya ang desktop computer. Yong isa naman ay hawak niya ang listahan ng mga OAVs para sa precintong iyon. Yong isa ay taga-bigay ng balota.
After na confirmed ang name mo sa tatlo, ibibigay na sa iyo ang nakatuping empty balot pagkatapos mo mag signed up ng iyong signature, tapos pupunta kana sa table sa likuran nila. Ang table ay may 10 upuan. Ang bawat upuan ay may nakahandang listahan ng mga kandidato kasama ang isang itim na ballpen.
Ang nakatuping balota ay may 15 na blankong susulatan ng mapipili nating kandidato mula presidente, bise-presidente, 12 senators at isang party list. Inorasan ko ang ginawa kong pagsulat ng aking napiling kandidato sa balota. I used to write their complete names hindi ang kanilang mga nicknames. At wala akong iniwang isa mang blanko. Umabot ito ng less than 4 minutes.
Bago ako tumayo tiniyak ko muna ang lahat. At ang ibidensha ng aking pagboto ay dapat kong hawakan. Kaya naman kinuhaan ko ng retrato ang sinulatan kong balota. Makikita ninyo sa photo na wala akong iniwang blanko.
Pagkatapos saka ko ibinalik sa namamahala ang nakatuping balota. Nag tam-marked ako ng dalawang beses – isa para sa balota at ang isa ay para sa name ko sa masterlist. Sumunod aking inihulog sa loob ng balot box ang kaputol na balota kung saan nakasulat ang mga napili kong kandidato. Yong kaputol na isa ay inilagay ng tagapamahala sa isang envelop – nakasulat doon ay ang balot number at ang tam-marked ko.
Mga kabayan kung kayo ay hindi pa nakaboto sugurin n’yo na ang Embahada natin dito sa Riyadh, Konsolada natin sa Jeddah at sa nakatalagang pagdadausan ng pagboto sa Dammam, Alkhobar.
No comments:
Post a Comment