kayakap sa lupang banyaga
araw at gabi'y nadarama, ang lungkot
hapdi, lumbay at kirot...
Kay sakit ang sinapit niya
lumipad patungong Arabia
nag-iwan ng pangako na sa pagbalik n'ya
ang buhay niya't pamilya’y sasagana...
Nguni’t sa kasamaang palad si Tutubi ay naipit
ang dinapuan n’yang sanga'y nabali
ang buong kaharia'y naging saksi
siya'y tumilapo't sa kulungan ay napadpad!
Ilan tutubi pa kaya ang matutulad sa kaniya
na naghihintay ng tulong na makawala sa hawla
makarinig kaya ang mga nanunungkulan sa bagong administrasyon
sa bansang Pilipinas - sa panawagang dumadagundong?
O magbingi-bingihan at magbulag-bulagan na lamang sila
at magkakaisang ipapaubaya siya sa kandungan ni KAMATAYAN?
(Thanks to Dondon for the photos). Visit Tutubing Mahilig Lumipad
No comments:
Post a Comment