Saturday, March 13, 2010

Papaano Kung si Noah ay Naging Pinoy?

Seguro kawawa lalo ang Pilipinas.

Halos maihi at mapa-utot ako sa katatawa habang binabaybay ko ang bawat taludtod nitong lathalain na nagmula kay Ms. D. Geronimo. Magandang basahin ito at nakakalimot pansamantala sa problema. Replika ito sa nangyari at kasalukuyang nangyayari sa INANG BAYAN.

Kung Pinoy si Noah… ganito seguro ang mangyayari sa barko/arko.

250px-Noahs_Ark Taong 2007, si Noah ay isang ordinaryong middle class Pinoy. Nagpakita sa kaniya ang Diyos at nagsabing, “Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking Barko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang Pilipino sa iba’t-ibang kapuluan.”

Ibinigay kay Noah ang ‘specs’ ng arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang taon, muling nagpakita kay Noah ang Diyos. Tinanong siya, “Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?”

Sumagot si Noah, “Patawarin po ninyo ako kung ‘di ko po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo.”

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na hinarap niya sa pag-gawa ng arko.

“Humingi po ako ng Mayor’s permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ay ang construction firm na paga-ari ng kaniyang pamangkin. Pumunta po ako kay Congressman pero papayag siya kung may matatanggap siyang 30% commission.

“Nagtayo po ng union ang mga kinuha kong manggagawa at nag-strike. Natunugan ito ng mga left-leaning groups at sila ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko lumalabas kasi na (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang puwedeng sumakay. Nakisali rin po sa rally ang mga bading at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang puwedeng sumakay.

“Kahit po ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng hueteng. Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang Senado ‘in aid of legislation’.

“Sa Senado sinubukan ko po na gamitin ang EO464 para makaiwas sa hearing pero hindi po ako executive official, kaya napilitan po akong tumistigo.

“Nang malaman ng Senado na utos ng Diyos ang pag-gawa ng arko, dineklara nila itong ‘unconstitutional’ dahil hindi raw nito iginalang ang ‘Separation ng Church at State’.

“Nakialam narin po ang NBI at PNP at sinabi nila na meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kaniyang pagtakas. Sinabi rin ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ko po si Mr. Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha niya at may slogan ‘Towards a Strong Republic’. Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay nahinto ang pag-gawa ng arko.”

Pagkatapos na ilahad ni Noah sa Diyos ang mga nangyari, ang galit na dati banaag sa mukha ng Diyos ay unti-unting naglaho.

Dagdag na winika ni Noah, “Sa palagay ko po kailangan ko pa po ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto.”

Napailing ang Diyos at nagsabi, “Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hahayaan ko na lang na kayo at ang mga taong naninirahan dito ang sumira nito!”

Kaya mga Kabayan ngayong darating na halalan, dapat natin seguraduhin sa ating mga puso at isipan ang mga kandidatong ating eboboto! 

Thanks for your time.

2 comments:

  1. Haha...ayos Puelpo...nalibang ako. Yan ang ang realidad ng buhay ngayon ng Pinoy. Sana...sana...at sana pa rin...Dumating na yung Divine Intervention...para isang milagrong maayos ang Pinas.--Superlolo

    ReplyDelete
  2. Salamat po Superlolo sa iyong pagbisita dine...Sabi nga po walang imposible sa nananalig at nanampalataya. Di man po marinig ng Maylalang ang isinasamo ngayon ng karamihang Pinoy darating din po na makukulitan po Siya. Nawa'y makonsensha ang mga taong na minsa'y ating pinagkatiwalaan. Musta po jan?

    ReplyDelete

Labels

: adult (1) 2010 Pinoy Expats OFW Blog Awards (1) 2010 vacation (1) 5ws (1) a living memory (1) Abaya (1) Activism (1) actor (2) adsense (1) affiliate (1) affordable capital (1) ala-ala (1) Albay (1) Alternative Medicine (1) americans (1) aol (1) arab radio (1) Arabia (1) Article Marketing (1) Artificial respiration (1) arts and culture (1) Asian Workers (1) author (2) Award (1) Awareness (1) Baby Boom Generation (1) bad debt (1) bahay kubo (1) balot (1) Bangladesh (1) Bible (1) bing (2) Birthdate (1) Birthday (1) Blog (2) blogger (2) bloggers (1) blogging (4) Blogging For Money (2) Blogging For Pay (1) Blogging Guide (1) Blogging Tips (1) Blogging Website (1) Bloggings Tips (2) Blogs (1) blogs and blogging (1) Blogs And Tips (1) blogsites (1) Bodyguards (1) Book Of Mormons (1) Boto ko (1) Boto mo (1) breathing (1) British (1) Business (7) Business Leader (1) Business Opportunities (1) business opportunity (4) caffeine (1) cancer (1) Carols (1) cat style (1) Celebrities (1) Charice (1) Charice Pempengco (2) Child (1) child abuse (1) children (2) choke (1) Christianity (1) Christmas Day (1) Christmas Gift (1) Christmas Gifts (1) Church Of Jesus Christ Of Latter-Day Saint (1) cigarette (1) Circumcision (1) Cocoanut (1) Coconut (1) Coconut Virgen Oil (1) columns and opinions (1) Computersight (1) Confession (1) Content Creator (1) contest (1) copyright (1) copyright infringement (1) Culawamsa (1) Culture (2) Dato Dr. Lim Siow Jin (1) Daxen (2) Deaths (1) Direct Selling (1) diseases and conditions (1) Dr Bruce Fife (1) drown (1) dxn (5) dxn business (4) DXN CEO (1) Dxn Codyceps (1) DXN Distributor (1) DXN Ganoderma (1) dxn membership (2) Dxn Myco Veggie (1) DXN Network Marketing (4) dxn news (1) Dxn Spirulina (1) DXN Sponsoring (1) dxn wellness products (4) earn (1) education (2) egg yolk (1) Egyptians (1) election (1) Electric shock (1) Emergency procedures (1) employment (1) England (1) English Grammar (1) English Language (2) English Speaking (1) Entertainment (1) Essay (1) exercise and fitness (1) expat (1) expatriate (1) expatriates (1) exposure (1) extra income (2) facebook (7) Facebook Page (1) Faith (1) family (2) family gathering (1) family togetherness (1) Fan (1) FBI (1) Felmar Castrodes Fiel (1) Fiction Writing (2) Fictional Story (1) Fil-Get-Together (1) Filipino (2) Filipino Culture (1) Filipino Diaspora (1) Filipino Language (2) filipino poets (1) Filipino Pride (1) Filipino Unity (1) Filipino Voice (1) Filipinos (3) First aid (1) Free Online Registration (1) Friendship (1) Friendships (1) Frugality (1) general healt (1) General Health (1) General Interest (3) Genital Mutilation (1) Geraldo Tadios (1) Ghutra (1) Global Warming (1) gold (1) Golden Apple Of The Sun (1) Gomestic (1) good debt (1) google (5) Google Buzz (1) Google News (1) Google Online Translation (1) Google Translate (1) Google Translation Department (1) Goth (1) government (1) guides (7) gulay (1) Hard Work (1) Hari Ng Mga Halamang Gamot (1) Harlot (1) Heal (1) health (5) Health Benefit (1) Health Tip (1) Healthiest Oil (1) HealthMad (1) healthy body (1) Healthy Life (1) Healthy Living (1) Hearts (1) Hero (1) History (5) holidays (2) holidays and celebrations (1) Home (2) honey (1) how to article (1) Human Rights Violation (1) Igoogle (2) impotency (1) Impotency problem (1) ina (1) India (1) Indians (1) Individual (1) Indonesia (1) Indonesians (1) Industry (1) infertility (1) Internet fraud (1) internet radio (1) Investors (1) issue (1) issues (3) Jesus Christ (1) Job (1) Jon J Kabara (1) Joseph Smith (1) journalist (1) Kabute (1) kahon (1) kalikasan (1) Karel Capek (1) Kera (1) Khulna (1) King of Herbs (1) koreans (1) Labor (1) lactic acid (1) law (1) learning (1) Letter (1) letters (1) Life (2) lifetime royalties (1) Lingzhi Coffee (1) Listening (1) Love (3) lover (1) magtipid (1) maikling kuwento (2) maikling kuwentong pambata (1) makata (1) makatang pinoy (1) Making Money Online (2) Malaysia (1) man (1) Mariang Palad (1) Marketing (2) masturbate (1) Mayon Volcano (1) Media Law (1) Men's health (1) Mexico (1) Middle East (1) Migrante Middle East (1) Millionaires Salad (1) MLM (2) Money saving tips (1) Most Talented Girl in the World (1) Mozilla Corporation (1) mp3 (1) Mrs. Palmer (1) Multi-Level Marketing (1) my way (2) nanay (1) Nation (1) Nature (2) needs (1) Nepalese (1) Network Marketing (1) Networking (2) News (2) nightmare (1) nilagutan ng hininga (1) No-One can Beat Osama Bin Laden as a Writer (1) Noynoy (1) numbers (1) OAVs (Overseas Absentee Voters) (1) Obesity (1) Obesity. (1) observer'sview point (1) offspring (1) ofw (4) OFW Supporter Nominee (1) OFWs (1) oil (1) old diriyah (1) online protest (1) Online Writing (1) opinion (5) Opinions (1) Opportunities (2) orgasm (1) osama bin laden (3) Overseas Filipino (1) overseas Filipino workers (1) pagbubunyag (1) pagpanaw (1) pagyao (1) Paid To Write (7) pakikibaka (1) Pakistanis (1) pangarap (1) Paragraph (1) Parenting (1) parents (1) pasasalamat (1) Patungkol sa OFWs (3) Paul Zane Pilzer (1) Peace (1) people (2) personal experiences (1) personal finance (1) Personal Profile (1) Philhealth (1) Philhealth Circular No 022 (1) Philippine (1) philippine embassy (1) Philippines (1) Philosophy (2) Pinoy (1) Pinoy Joke (2) PIPA (1) places to hang on (1) places to hangon (1) plagiarism (1) Plants (1) Poem (1) Poems (2) Poems About Life (1) Poems About Nature (1) Poems On Emotions (1) Poems On Freedom (1) Poems On Love (1) poetry (6) poetry contest (3) Poetry With Meaning (1) Poetry Works (1) Polluted (1) Pollution (1) Pope Adrian 1 (1) Portrait of Prince William and Catherine Middleton (1) Ppruel (1) premarital sex (1) President Noynoy (1) presidente ng Pilipinas (1) Priest (1) prostate cancer (1) Prostitute (1) Prostitution (1) pruelpo (24) prutas (1) puna (1) ramadan (1) Reader (1) Readers Needs (1) Reading (1) Reishi Mushroom (1) Relationships (1) Religion (1) Reporters Without Borders (1) Reviews (2) riyadh (3) robert kiyosaki (1) robust (1) Romance (1) Rose (1) Rose Garden (1) saranggola blog award 2 (3) saudi arabia (11) Saudi Citizens (1) Saudi Customs (1) Saudi Nationals (2) saudization (1) Saving (1) scams (1) school (1) Science (1) Scrap PhilHealth Circular No. 022 (1) Search Engines (2) secret of rich people (1) Sentence (1) SEO (1) sex education (2) Sexual Organ Stimulation (1) sexually transmitted disease (1) share (1) Short Story (1) silently making love (1) silver coin (1) Sir Isaac Newton (1) Social Issues (1) Social Networks (2) Social Trends (1) Society (6) Socyberty (1) Sona (1) sopa (1) spams (1) sterile. (1) sterility (1) Systran (1) teachers (1) Technology (2) teenagers (1) The Royal Forums (1) Thobe (1) Thoughts (1) Thoughts Of Love (1) Thrift (1) tips (3) Tra (1) Tradition (1) traffic (1) Traffic Generation (1) Traffics (1) Traffics Generators (1) Translation (1) travel (2) Trifter (1) triond (6) triond writers (1) Trivia (2) tula (1) tulang pinoy (5) Tutubi (1) twitter (1) Unity (1) unwanted pregnancy (1) USA (1) vacation (1) Values (1) videos (1) Viewers (1) villain (1) Virtue (2) Visitors (1) W (1) wants (1) wealth (1) wealthy (1) Web (1) web marketing (2) Website (1) website tester (1) Website Traffic (1) Websites (1) websites owners (1) websites reviews (1) Webupon (1) Wedding Gift (1) weekends (2) Weight Loss Body Mass Index (1) Wes (1) what (1) What Are (3) What Is (3) when (1) where (1) who (1) Whore (1) why (1) why DXN (1) wikinut (8) Wikinut Community (1) Wikinut Experiences (1) Wikinut Writers (1) Wikinuts (1) Will (1) wisdom (1) wise consumer (1) Wise Internet User (4) woman (1) wordpress (3) World Connection (1) World Friendship (2) World Status (1) write (1) writer (1) Writers (1) writing (5) writing article (1) writing business (1) Writing Tips (2) writinghood (2) yahoo (3) yahoo answers (1) You (1) You tube Singing Sensation (1) Youtube (2)

Jobs in New Zealand...Apply na Bagong Graduates

Jobs in Malaysia...Apply na Bagong Graduates

Jobs in United Arab Emirates...Apply na Bagong Graduates

Jobs in Dammam, KSA...Apply na Bagong Graduates

Jobs in USA...Apply na Bagong Graduates