Sa paghahanap ko ng materyals/ideas ngayong araw through net surfing para sa gagamiting kong blog article, itong “Gayuma ni Inday” na isang maikling tula na aking nahabi bago magtapos ang taon 2007 ang aking nasumpungan. Sa tagal ng panahon halos nalimot ko na - na ang tulang ito ay aking pala naipasa sa emanilapoetry.com under TulangPinoy sa kategoryang pag-ibig at pagmamahal.
At sa hindi ko rin inaasahan ang tulang ito ay napiling ma featured ng Admin sa kanilang website on December 20, 2007. Siyempre natuwa ako (kahit walang bayad) nguni’t di ko rin maiwasan ang magtanong – Ano ang mayroon sa tulang ito? Ano ang mensahe ng tulang ito sa ibang tao? Nasulat ko ito nang ako’y atakihin ng homesickness noon!_______________________________________________________
Gayuma ni Inday
Anong gayuma ang gamit
ni Inday? Ako ay sabik
sa kan’yang karinyo’t halik
sa’king labi’y kumakapit
Kahit sa aking pagtulog
lasap ko’ng kan’yang pag-ibig
ang tamis at sobrang init
‘di mawala sa’king isip
Sa t’wing ginugunita ko
ang huli naming pagtagpo
kahit ako’y napapagod
tuloy parin ang pagkayod
Aking Inday humanda ka
sa muli nating pagkita
tuhod ko’y malalakas pa
lalaban hanggang umaga!
Hingal-hingal, isang dalit
Ng totoo kong pag-ibig…______________________________________________________
Ang emanilapoetry ayon sa (about section) is a network member website of the award-winning EMANILA.com. It started as a small section of EMANILA.com in 2003 to provide a platform for emanila members to promote their works in the internet.
With its growing membership, emanilapoetry expanded to house two other internet poetry properties, TULANGPINOY and PINOYVERSES, for poems written in Filipino (and other Philippine language) and English, respectively.
On 19 June 2005, emanilapoetry formally launched with its own domain name. At its opening, the poetry site had thousands of compositions from Filipino poets and poetry enthusiasts from various countries. Some of them confess that writing poetry was only a hobby. Hobby or not, some of the compositions reflect the creativity and insight of the Filipino. Some of the poems profess the writers’ longing for the Motherland, some are expression of love for someone, some are critical look at the environment and society, and some are simply random thoughts beautifully expressed in lyrical forms.
Thank you for your time. Visit again.
No comments:
Post a Comment